Im fucking tired. Gusto ko maligo, kumain, matulog, magfb pero ang hirap hirap gawen ang mga to dahil sa letseng plate na to dagdag pa ang pagbubunganga ng nanay ko! Nyeta! Tapos na naman ako e, itatrace ko na lang sa tracing paper! pero nakakatamad! at di pa ako makapanuod ng UAAP CDC!
Tutulog na ngat lahat pero imbis na yung Master facial toner ang mailagay sa bulak at maipahid sa mukha, yung alcohol ang nailagay ko. /wrist late ko na narealize na ang tapang ng amoy. Huhu. Di pa din tapos sa plates :(
Salamat Lord at natapos na rin ang hell week. Grabe ngayon pa lang magsisimula ang semi finals namin! Sobrang dame kong ginawa, inaral at nirender last week. Nakakapagod talaga. Nadepressed pa ako dahil di ako nakasagot ng ayos sa problem solving sa physics! Huhuhu. Grabe.
Tapos kahapon, ginanap ang Mr and Ms CEAFACS. Hindi nanalo ang representatives ng Archi. (Bat kasi di ako ang nilaban!? HAHAH joke!) Pero okay lang. napaos ako kakasigaw ng “Boooo!, Uwe walang yelo!, UTUT MO!, BANDILA na!, etc” Hahaha di naman ako nagchecheer, nang uukit lang ako! hahaha
Mamaya, Mr and Ms GE naman! Saa manalo ang mga kabarkada ko!
Paalam Sis Chumii…
Ang hirap malawan ng isang kaibigan…
Mahigit 2 linggo na din akong di nagbubukas ng tumblr. Sobrang dame kong problema. Isa na dito ang pagkawala ng isa sa mga pinaka-kaclose kong kaibigan na si Charlene “Chumii”. 1st year highschool pa lang ay magkaibigan na kami. Sya yung una kong nakausap sa highschool na pinasukan ko. At hanggang sa umabot ang friendship namin till now na parehas pa kaming architecture students at nag aaral in the same school. Pero hindi ko akalain na ganun ganun na lang mauuwi ang lahat.
August 13, 2012, magkausap pa kami nun. Nakatambay lang sya sa hallway at sinabe nya sa akin na masakit ang paa nya. May hematoma kasi sya sa binti at ngayon lang college sumakit un. Nakatsinelas at nakapamPE pa sya. Tawa pa sya ng tawa nun kahit na ganun na ang kalagayan nya. Hindi ko naman gaanong napansin yun kasi sanay akong luka luka ang hitsura nya araw araw. Hanggang sa nung hapon ay nabalitaan ko na lang na umuwi na sya at sinundo sya ng papa nya.
Hindi sya pumapasok. hindi din sya nagtetext. Wala akong balita sa kanya. tapos nung Sunday August 19, 2012. nagpost ang kabarkada ko sa facebook na nasa ICU si Chumii at 3 days na hindi nagising. Sobrang nagmadali agad ako at nagpunta ng hospital. Pagkadating kong hospital, nakita ko si Tita, (mama nya) tas sinabe sakin ang nangyare. Nagkaroon daw si Chumii ng blood infection dahil ng hematoma nya sa binti. Tapos pumasok ako sa ICU. Gising sya, conscious pero sinusoutan na sya ng mga tubo sa bibig. mulat sya at naguungol kasi masakit. tapos napatitig na lang ako. tapos napaluha. Di ko man lang sya nakausap. Di ko na nagawa. Yun yung huling pagkakataon na nakita ko syang buhay. Yung araw na yun pa man din ay ang 3rd anniversarry nila ni Lhex, long time boyfriend nya since hs kami at kaibigan ko din. nasa Canada sya ngayun kasi nagmigrate sila. And saludo ako sa kanila na nahandle nila ang LDR.
August 24, 2012 8:45 pm. Kinuha na sya ng Diyos. Sa buong linggong nasa ICU sya, andun lang ako sa ospital, nagdadasal sa prayer room at nagsisimba sa simbahan kapag pauwi na. Napahagulhol ako. Hindi ko akalain na ganun na lang yun. Wala na si Chumii na sobra kong kaclose. Malapit lang bahay namin sa kanla kaya nga, madalas pa kaming sabay umuwi at pumasok. Nung mga oras na yun, andun kaming mga kaibigan nya. Ang dame. Halos lahat kasi sa school, kaibigan nya. Umuwi ako ng naiyak.
August 30, 2012. Inilibing na si Chumii. Buong batch siguro namin nung highschool ang nakipaglibing. Tantya ko mga 500 na tao ang nakipaglibing. sa Simbahan pa lang, sobra na ang iyak ko lalo na nung binaba na ang kabaong nya. Di ko kinaya. Sobrang napaiyak na lang talaga ako. Kasi kaibigan ko yun. Malapit na kaibigan at sa aming barkada, ako yung pinakamatagal na nakasama nya dahil nga 1st year highschool pa lang magkasama na kami.

Chumii,
Kung pwede ko lang ibalik ang oras. Uulit ulitin ko ang panahong nagkakilala tayo nung first year highschool, yung sabay tayong nagbyabyahe sa jeep ng gulod, ang gala natin sa sm, ang pamemyesta mo sa amin, ang pangongopya natin, ang daldalan, ang asaran, ang tawanan, ang iyakan. Charlotte, sis, cc, chumii, hinding hindi kita malilimutan. Sabay na tayong nagdalaga at nagbinata. I know God has reason behind this. Mamimiss kita sobra. 6 years with you, ill never forget that. I love you Chumi. Bantayan mo kami palagi ha? Magkikita pa naman tayo e! Pag tayoy nagkita, tayoy magssm uli ha! Magiingat ka dyan ha.
I still miss you. Mamimiss ko pag dadaan ako sa 3rd floor at makikita kita. Magkikita pa rin tayo di ba. At pag nagkita tayo, magstarbucks ulit tayo ha. At magiging architect ako para sayo. Itutuloy ko pa rin ang pangarap nating dalawa simula 1st year highschool. Hellooooo chumiiiii!!! Sabay tayo pag uwi ha! :’)
Yung wagas mong tawa, yung malakas mong bulong, yung violet mong bag, hikaw at cellphone, yung highlights mo sa buhok, yung chumii pose, lahat lahat ng tungkol sayo. Araw araw kong naaalala, araw araw kong mamimiss, ganon ka tumatak sa akin. Excited na uli akong gumala kasama ka :))
Violet is Chumii. You will always be remembered. At di ako magsasawa na ipost ang mga alaala ko sayo kahit puro ikaw na ang timeline ko. Alam kong masaya ka kasi sa ganito na puro pictures mo. Hehe. I miss you.
I will never forget our friendship. Kahit di ko matanggap, alam ko naman na masaya ka na. Sabi nga di ba, ang buhay naman dito sa earth, di forever. Ang pinakamahalaga ay yung legacy na naiwan mo.
Chumie, puro masasayang alaala ang iniwan mo sa amin. Dun sa 6 years nateng pinagsamahan, di tyo nag away kahit minsan. At sobrang ipinagmamalaki ko yon.
Alam kong pag nakita mo to, sasabihin mo lang “I Lab eet!!” Sorry kung di ko napigilan ang sarili kong humagulhol kanina. Sobrang ganun ka lang talaga kahalaga sa akin!
Kita kits na lang tayo ulit ha :)
Hanggang ngayon di ko pa rin matanggap na wala ka na. Pero patuloy akong mabubuhay at mangangarap para sayo. Masaya ka na sa piling ni Lord at hindi ka na nahihirapan. Ang masakit lang, kelangan pang mangyare to para maging “eye opener” ka sa amin upang alagaan ang aming mga kalusugan.
I love you Chumii!
Sinisipag yata ako ngayon. Ayoko na kasing magprocastinate. Ang hirap na. Kahit na matagal pa yung deadline ng design plate namin, gagawin ko na this week end. Ililista ko muna mga gagawin ko. haha
Saturday:
- Maglinis ng kwarto
- Talumpati
Sunday:
- Reviewer in English, BT, Calculus, Hoa
Monday:
- Design Plate
- Floor plan
- Reflected ceiling Plan
- Wall elevations
Tuesday:
- Panoramic Perspective
Medyo kakaunti naman pala ang gagawin. Magstart na ako mamaya after kong magbreakfast. No internet pls. Just instagram Hahaha
So kanina magpapalit ako ng corporate attire sa Cr ng 3rd floor ng Ceafacs building sa school namin. Napansin o pagpasok, may dalawang babae. At dirediretso ako paloob ng cubicle. Napansin ko na wala silang pakialam sakin kahit pumasok na ako to think na CR yun ng BOYS ha.
Nagbibihis na ako ng naghaharutan yung mga babae sa loob ng CR ng boys! Tas sabi nung isang girl.
Girl 1: Asan si David?
Girl 2: Nasa Cr!
Tas nagtawanan na sila, tas syempre nasa loob ako ng cubicle nagbibihis ako. tas yung Girl, binubuksan niya yung pinto ng cubicle. Grabe yun! Sumigaw ako, may tao sa loob. Hindi pa sya nakuntento, kinuha nya pa yung pe uniform ko na nakasabit sa pinto ng cubicle. Tapos may dumating na babae pakinig ko kasi
Girl 3: Huy ano yan!
Girl 1: Haha kay David areh!
Girl 3: Nandine ga si David! Davidddddd!!!
David: Bakit?!
Girl 1: Hala kanino areh!
Sumigaw ako. “Sakin yan!!” tapos saka nya pa binalik. tas lumabas na sila ng CR ng boys tas nagtatawanan sila tas pakinig ko, magsosorry daw ganyan.
Tas lumabas na ako, pagkalabas ko, lumabas din yung babae eh ang liit nya tapos nagsorry sakin. Ang sabi ko na lang, “Ok lang.”
Di ko alam sa sarili ko, dapat sa ganung sitwasyon, maiinis ako, pero natawa talaga ako as in! Utas na ako kakatawa pagbalik ko ng rum at kinwento ko sa mga kaklase ko. Hindi kasi ako yung napahiya kundi yung mga girls. Bakit ba kasi sila nasa loob ng CR ng Boys! Kakaluko yung mga yun.
PS: Feeling ko mga first year Fine Arts yung mga yun. Grabe talaga!
Nakakatamad pumasok. Bow!
Alas dyis yung klase ko tapos Calculus pa. Eh ayoko nga ng math e! Pero gusto yung prof kaso ayoko talaga ng math. Tapos hinihintay ko pa rin kung masususpend ang klase dahil ang lakas ng ulan dito sa batangas. *cross fingers* Tapos 2 hours vacant resume ng 1 ang klase. Interior design class pa. Katamad. baka mayang 1 na lang ako papasok.
Instate of dilemma ako kung ano papanuorin ko, The reunion o Just One Summer. Okay. jeje. Kasi idol ko si Julie Anne pati si Elmo e! Si enchong Dee lang naman inaabangan ko sa The Reunion. K. Bahala na.
I therefore conclude na di ako papasok! yehey!
Just got home from Manila. Grabe nagpunta lang talaga ako dun para bumili ng gamit pang Arki sa Jolis dun malapit sa may UST. Lakas lang ng trip ko. Eh ang layo ng Batangas ha. Grabe ang lakas ng ulan sa Maynila. Tapos parang nakita ko yata si Vinquilop Idol sa SM Manila. Kung sya nga yun, grabe ang magkasing tangkad kami at ang galing nya magdala ng damit.
Picture picture sa Fitting Rm ng Bench. Grabe. Ang mura ng damit na to. Sale kasi then bumili pa ako ng isa pang shirt at body spray. Sulit yung Limang Daan ko! Wooh! Prelims in all subjects: done! Except in Arch Design. Huhu.
Woooo! Wala lang. trip ko lang magpost ng text post. Haha. Akoy bangag na bangag na talaga sa aking buhay. Lagi na lang ako late nauwi at lagi akong gutom. Haha. Dame ko pa talaga gawain pero kaya ko pa naman… sa ngayon… ewan ko na lang sa mga susunod na araw. Haha.
Nakakamiss to. Gusto kong magkwento ng mga kung ano ano. simulan ko na ha.
Grabe talaga nung isang linggo, umamin na naman ako sa crush slash mahal ko na MAHAL KO PA RIN SYA at di pa rin ako nakakaMOVE ON sa kanya. Haha. syempre ako kasi yung taong kapag nagmahal, sasabihin ko agad kasi im taking chances sa taong yun and that person deserves to know. Kaya lang wala pa rin closure sakin ang lahat kasi di naman nya sinasabe na gusto nya ako or ayaw niya sakin. Yun nga lang may iba na syang mahal. Ewan ko lang kung mahal na nila ang isat isa pero di pa rin ako kumbinsido kasi di na buo ang pagtitiwala ko sa kanila e. Grabe tapos nagalit ako sa kanila Putek sila! Hahaha. ang gulo ko magkwento basta yun. Minsan kasi may mga PARASITE akong kaibigan na kakausapin lang ako pag may kelangan sila sakin. pero syempre ano ako, hilo? So may MUTUALISM na nangyayare, ginagamit nila ako eh, eh di ginagamit ko din sila. Hahaha.
Pero ayos na kami ngayon. Di ko na sya mahal. Agad agad? Oo. kasi kelangan kong i-insist sa sarili ko yun. At sa ngayon, hopeless romantic pa rin ako.
Nakaka-inis no. Grabe. Atat na atat na talaga ako magkaroon ng ka-relasyon. Gusto ko kasing may inaalagang tao. Hayyyyy
New start para sa akin ang July 1 na ito. Sinimulan ko sa buhok at bigote ko na inahit ko na. Last week kasi sobrang naging bigat ng sitwasyon para sa akin. Nagkatampuhan kasi kami ng bestfriend ko. Ang dame nangyare. Kung alam niyo lang. Ang hirap talaga mainlove kasi after nun kelangan mo magMove on. So nung friday, sabi ko sa sarili ko, tatanggapin ko na wala talagang kami at kailanman ay di magiging kami kasi wala syang gusto sakin. Sakit nga e harap harapang pag amin talaga ang ginawa ko. Sobrang sakit. Pero no regrets kasi at least nasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko.
Ganyan talaga ang buhay. Kelangan ko na magmoveon at magpatuloy maglakbay. :)
MagPbbteens nga tayo! Hahaha :*